Thursday, October 30, 2008

Utot ng Bungangang Kanal

September 19th, 2007

Madami na ang mga pagbabago sa mundong ito. Madami nga wala naman ako masabing nagbago. Medyo malaki ang mundo para pag-usapan. Pero ang mundo ay nasa peligro ngayon (are you serious?). Nakakalungkot isipin, ang mga tao na syang dapat mag-alaga at nagpapaganda ang sya namang sumisira. Sabi nila sakim daw kasi ang mga tao. Totoo ba yun? Biktima ang mundo sa kasakimang ito. May sakit na ang mundo ngayon, ito ay ayon sa nabasa kung pamphlet. Global Warming ang tawag sa sakit na dumapo sa mundo. Pero natuwa ako sa programa ng seminaryo na tinawag nilang Let’s GLOW! Na ang ibig sabihin: Let us Guard and Love Our World! Maliwanag di ba? Isang hakbang para maibsan ang sakit na nararamdaman ng mundong ginagalawan natin. Nagtanim din kami ng mga seedlings. Nagpromise nga kami na aalagaan ng buong katapatan ang mga punong ito. Promise are made to be broken naman ata. Promise? Enjoy ang project dahil may movie viewing pa noong ni-lunched ito. Documentary ito na ginawa ng isang taong “used to be the president of the United States ” pero tinalo ni Bush sa pagkapresidente kaya siguro “used to be.” (Ganun?) Si Al Gore ay masayang kakwentohan sa "Inconvinient Truth" na pinalabas nya. Pinatawa nya kami sa katotohanang may sakit ang mundo. Magaling kasi syang magpresenta. Di naman sya artista. Ayon sa kanya. Hindi, ayon pala sa napag-alaman nya. Pareho din naman din na sya ang nagsabi. Ang “incoming solar energy” ay pumapasok sa loob ng teritoryo ng mundo ay lumalabas din pero pinipigilan itong lumabas sa mundo ng greenhouse gases. Cardon dioxide ang tawag sa isa mga gases na ito. Ang mabaho at maitim na usok na ito ay galing sa mga basurang sinusunog, lalo na yung plastic (na mukha?), usok ng sasakyan, pabrika at ng mga bungangang extension ng mga kanal. May nakausap ka na bang kanal ang bunganga?

Nag-iinit na ang mundo tulad ng pag-init ng ulo mo kapag buhol-buhol ang trapiko at tulad ng init ng ulo mo noong nasikwat ang cellphone mo na GSM. Kaya nga di na matanto ang lagay ng panahon ngayon. June, July at pati August basang basa ka na sana pagpasok mo sa eskwela dahil di ka nagdadala ng payong. Nakakadiskarte kasi ang mga kalalakihan (pati din babae?) kapag walang payong at maulan. Ayon din kay Al Gore, madami ang epekto ng Global warming. Mainit ang mundo, kapag mainit ang mundo matutunaw ang yelo sa baso mo. May malaking masa ng yelo sa North Pole pati na rin sa South Pole, an increase of 20 feet of sea level is projected. Lulubog ang mga pwedeng malubog pati Pilipinas pwede ring malubog. The ice caps in the North Pole have diminished by 40% in 40 years. Lalakas din ang mga bagyo na darating sa bansa, kahit sa anung bansa. Enjoy di ba walang klase. Kapag malakas ang bagyo sa isang lugar nasa mainit naman na panahon ang ibang lugar. Hindi lang mainit, sobrang init. Nauubos na din ang mga species na nakatira sa mga mayelong lugar tulad ng Polar Bear. Feeling ko si Nostradamus ako. Ang Lake Chad (san ba to?) ay isa sa pinakamalaking lawa sa buong mundo, nag-evaporate ang tubig at dried up na for the last decade. Ang angaT dam bumaba nga ng below sa normal level. Tama, ang init nga ng June na tinatawag na buwan ng kasalan. Sarap ba magpakasal pag-umuulan? Kunti lang ang makakadalo pag may bagyo. Kunti siguro ngayon ang nagpakasal, mainit kasi. July ata noong nagbaha sa China pero parang oven naman ang Pilipinas. Nabalitaan ko madami ang Pilipino na nagdasal para umulan. May Diyos pala tayo kapag may problema, anu? Maraming nagdasal lalo na sa mga lugar na nasa state of calamity? Dati ang nababagyong lugar lang dinedeklarang nasa state of calamity. Ngayon sa mga lugar na na walang dumadaang bagyo o ulan. Ang tanung! (parang quiz ah) Nagamit naman ba sa dapat na panggagamitan ang calamity fund? Ulan lang ba ang pinagdasal? Sana pinagdasal din na magamit sa mga talagang nangangailangan. Pinagdasal na di mapunta sa bulsa?!!! Nag-init tuloy ang ulo ko!!! (Head Warming?). Cool!

Madami ang nagsasabi pinaparusahan daw tayo ng Diyos kaya ganito ang nangyayari sa estado ng panahon, kaya ganito ngayon ang mundo. Bakit ang Diyos ang pinag-iinitan kapag may masamang nangyayari sa mundo? Kasalanan ba ng Diyos kung may landslide? San mo ba ginamit ang mga puno? Kasalanan ba ng Diyos kung may kurakot sa gobyerno? Sino ba mga binoto mo? Kasalanan ba ng Diyos na magka-cancer ka sa paninigarilyo ng isang pakete sa isang araw? Kasalanan ba ng Diyos na di ka nakapasa sa board exam? Pina-bless mo naman ang lapis at ballpen mo. Nagreview ka ba? Kasalanan ba ng Diyos kung bakit wala kang maisaing ngayong haponan? Bakit binigay mo sa kubrador ang pera mo? Kaya lang naman malakas ang loob mo na sisihin ang Diyos kasi di sya nagsasalita. Oo nga naman. Di mo naman pwedeng sisihin ang tatay mo kasi baka paluin ka pa. Lalong hindi pwede ang nanay mo, pag-umandar ang bunganga nya todas ka! Ang lolo mo kaya? Multohin ka sana!

Aminin man natin o hindi madami na tayong nagawang kasalanan sa mundong ginagalawan natin. Hindi nga rin nagsasalita ang mundo, kung OK lang sya bakit mainit ang ulo nya?

No comments: