July 30th, 2008
Anu ang pag-asa ng taong wala ng pag-asa? Minsan hindi ko maisip kung bakit ganito ang nangyayari. Minsan gusto kong halungkatin ang buhay at bigyan kahulugan ang buhay. Wala akong alam na gawin kundi isipin na lang na hindi talaga kaya ng tao na alamin ang buong katotohanan sa buhay natin. Pero anu ba dapat natin pagtuonan ng pansin? Hindi ko alam kung anu ba talaga ang tunay na mahalaga. Nawawala ako minsan kasi alam kung ito na nga pero parang hindi pa. Tunay nga bang hindi pantay ang buhay? Tunay nga bang hindi lahat ay pantay? Na dapat may inaapi at nang-aapi? Na dapat may mayaman at mahirap? Bakit hindi natin matanto ang lahat ng ito? Hindi ko maintindihan. Anu ba dapat natin intindihin? Anu dapat mangyari sa buhay natin? Alam kong alam natin lahat kung anu ang masama at mabuti. Alam kong tayo ay likas na mabuti. Pero paano natin maiintindihan na ang tao ay gumagawa ng kasamaan? Bakit puro pasakit ang dulot ng taong likas na mabuti? Bakit minsan kahit alam na natin mali ay ginagawa pa rin natin?
Anu ang matibay na dahilan kung bakit sa dinami-dami ng kaguluhan at kasamaan sa buhay natin ay patuloy pa rin ang pagharap sa hamon ng buhay? Anu ang maaring dahilan kung bakit tuwing umaga ay gusto mo pa ring bumangon at tumayo sa kabila ng hirap na nararanasan? Anu ba ang maaring dahilan kung bakit sa dinami-dami ng kasamaan sa buhay o pinagdaan ay gumagawa ka pa rin ng kabutihan? Anu ang mayroon sa buhay na hinagpis pero may kasiyahan? Bakit may dahilan ka pang magsaya sa dinaranas mong kasakiman? Bakit ni minsan hindi mo inisip na wakasan ang buhay na hiram? Bakit patuloy ang iyong paglaban? Bakit hindi ka napapagod? Bakit nakatayo ka pa rin sa dami ng bagyong nagdaan sa buhay mo? Tunay nga bang may pag-asa? May pag-ibig ka bang nakikita sa impiyerno? Possible bang magmahal kahit ikaw ay nasa mundo ng kasakiman, kabulastugan at kahayupan? Pwede mo bang sabihin na kapatid mo ang taong nang-aapi sayo? Na Mahal mo siya? Bakit may lakas kang bigyan ng isang basong tubig ang taong umaapak sayo?
Hindi man natin alam kung anu ang tunay na buhay. Pagmamahalan (hindi ng mga bilihin) pa rin ang kailangan. Hindi tayo Kristiyano sa pangalan. Hindi tayo Kristiyano dahil wala tayong kalayaan, na pinilit lang tayo ng ating mga magulang. Kristiyano ka kasi nagmamahal ka.
No comments:
Post a Comment