July 12th, 2008
May tanung ka ba? Ako? wala.
Sino ka ba? Ako ba tinatanung mo?
Kung may alam ka sabihin mo na! wala ako alam, iyon lang ang alam ko.
Bakit ba kailangan mo itago ang alam ko naman na? alam mo naman na pala bakit ko pa itatago?
Muntik na akong nahulog buti na lang at nasa baba na ako.
Nakalimutan kong sabihin sayo na hindi ko pala nakalimutan yung susi sa kwarto mo.
Oo nasabi ko na pero hindi pala ata nasabi yung pinapasabi mo sa kanya.
Ang init naman ng kape mo. Di ba ice cold coffee ito?
Nabasa ko na pala iyong pinapabasa mo sa akin. Hindi ko naman mabasa.
Inaaway mo ba ako ha?!! Ha?!!!!! Hindi bakit????!!!!!!
Hindi ba sayo ito? Ay oo sa tatay ko yan.
Hinahanap ko yung bola. Hindi ko naman mahanap. Nasa isang aparador lang pala.
Bakit mo ba ako pinapakialam ha? Pakialamero!
Nakita kita dun sa bahay nyo kanina pero hindi na kita nakita.
Hoy alam mo ba may sasabihin ako sayo! Anu yun? Ay, kala ko alam mo na.
Nakatulog ako kanina tas bigla na lang ako nagising.
Naiisip mo ba ang naiisip ko? Oo bakit? Sige nga anu naiisip ko?
Naramdaman mo iyon? Ang alin?
Natatakot ako na hindi na ako matatakot.
Maganda ba yung girlfriend ng kapatid mo? Maputi pare!
Night swimming tayo sa dagat. Ayuko ko madilim.
Nabangga yung pinsan ko. Musta naman yung sasakyan nyo?
Ang init naman ng hot-pandesal na ibinibenta nila.
Miss ko na yung textmate ko. Nagkita na ba kayo? Hindi pa nga eh.
Ang tamis naman ng asukal na binili ng nanay ko.
May discount daw yung binili mong sale na pantalon. Talaga? Akala ko nagkamali ng sukli.
Ang taas naman ang bundok na ito.
Nagmiss call sa akin tatay ko. Anu sabi nya sayo?
Naisip ko hindi pala dapat iniisip ang mga taong ganun.
Useless naman yang ginagamit mo.
Kanina pa ako sigaw ng sigaw dito bakit hindi mo ako naririnig? Ha?
Nagpunta ako doon, andito ka lang naman pala. Bakit ba wala ka doon?
Nagbreak yung sasakyan na sinakyan ko tapos bigla na lang huminto. Ayun bumaba na kami.
Dalawa pala butas ng ilong mo. Bakit ikaw ilan?
Kanino kaya ito? Ako yan! Ikaw pala to.
Ilan ang height mo? 5’4” po ata. Isa lang kaya!
Alam ko yan. Anu na pala?
Naligo siya sa ilog nanay. Kaya pala nabasa siya.
Reyna yung ate ko sa pista namin. Anung kaharian ba yun?
Nagtext nanay ko. Anu sabi nya? Alam na daw nya magtext.
May aso kami sa bahay. Bigla na lang ako tinahulan.
Huwag mong hawakan yang yelo kasi malamig.
Ang liwanag ng araw. Oo nga eh nakakasilaw.
Lola pabili nga ng colgate. Hapee or close-up?
Anu ang kabuluhan ng mga nabasa mo? Napansin mo bang wala lang magawa sa buhay ang nagsulat? Isulat sa isang papel ang mga naisip. Basahin ang mga sinulat. Gumawa ka din ng blog mo at i-post ang mga sinagot. Call and Text or YM ang mga friends at piliting basahin nila
No comments:
Post a Comment