Friday, October 31, 2008

The Art of Greediness

January 27th, 2008

“We are now in the world of technology.” Ito ang sabi nila. Di ko alam kung sino nagsabi niyan. Gawa gawa ko lang yan para parang may “authority” ang sasabihin ko (mahilig ata tayo ng mga gawa gawa ah?!). Oo nga naman noh, nasa mundo na tayo kung saan ay isang pindot mo lang eh ok na. Ops! Wag madumi ang isip. Oh baka ako ang masama ang iniisip? Ah basta hindi madumi ang isip ko ngaun, hindi masama ang ibig kong sabihin sa “isang pindot.” Kung madumi sayo, eh di linisin mo. Bakit ba ako nag-eexplain? Hay ako nga ata madumi ang isip. Anyway, hehehe! Yan ang hi tech! English na ako. Kung magbibigay ako examples ng mga pinipindot baka hindi kasya ang isang pahina at baka di mo mabasa lahat to. Magalit ka pa sa akin kasi di mo pa nabili ang mga sasabihin ko at baka wala din ako sasabihin kasi wala akong alam. Noong panahon ng “tugi” (a rootcrop, sa mga ilokano alam nila to. Kumakain sila ng ganyan nun di ko na alam kung mayroon pang ganun ngaun), kailangan nilang magsulat at ipadala sa post office ang sulat sa mga kamag-anak sa abroad. After two weeks message received. Ngayong panahon ng jolibee (French fries) text mo na lang sa cp mo eh received na nya agad ang mensahe mo. In just a second(s) Oh! Hi-tech di ba?

Ang gamit daw ng teknolohiya ayun sa pagkakaalam ko (sana totoo itong alam ko) ay para gumaan ang ating mga trabaho (pati pala buhay) at dahil dito mapapadali ang ating pag-unlad. Pero ang tanung, (parang quiz master) bakit sa dinami dami ng hi-tech na kagamitan ngayon eh madami pa rin ang naghihirap? Alam nyo, eto na naman ako….hehehe… di nyo pa pala alam kasi di ko pa nasasabi. Naiinis talaga ako sa isang patalastas sa TV na sinasabing gumiginhawa daw ang buhay ng mga Filipino. “Ramdam na ramdam na daw ang pag-asenso.” Dahil daw to sa pamumuno ni _____! (fill in the blank, 5 points if correct) Kung tama ang sagot mo sa blangko, di ba wala na naman siya nagawa sa mga naghihirap nating kababayan? Madami nga dismayado eh. Kaya sayang lang ang people power. Ayon kay F.Sionil José, “altanghap” na lang daw kung kumain ang karamihang pinoy. Kung kumakain ka ng ganito alam mo kung anu ibig sabihin ng altanghap. Bakit ba kailangan nating magsinungaling? Nakakatulong ba talaga sa mga kababayan natin na sabihing umuunland na tayo kahit di naman totoo? O gusto mo lang magproject para tumaas ang ratings mo? Ito kasi ang hirap sa atin eh, (ayan sermon na to) nabubuhay tayo sa kasinungalingan kaya kasinungalingan din ang lahat ng ating ginagawa sa buhay. Kaya nga ang karamihan sa mga projects eh overpricing o di kaya substandard. Oo mahirap aminin na madami sa atin ang naghihirap ang buhay pero kailangan natin harapin ang katotohanan, katotohanang ayaw natin humarap sa katotohanan. “If we live in truth, we do truthful things.” Wag nyo na tanungin kung sino nagsabi nito kasi obvious na. Ayun din sa nabasa ko natuwa daw sila kasi kukunti na daw ang naniniwalang mahirap sila. Kakaunti ang naniniwala? Ay oo nga pala kaunti na kasi namatay na pala yung iba.

Sabi nila ang galing galing daw manggaya ang mga pinoy. Lahat pinipirata. Di na nga din tayo makasigurado kung original ang nabibili mo sa mga “authorized store.” Kaya nga madaming naiinis na original producers. Atsaka parang “laos” ka na kasi ngayon kung original ang bibilhin mo hindi tulad noon na kapag nakabili ka ng original levi’s 501 eh sikat ka na. Mahirap naman na kasi ngayon ang buhay kaya kailangan maging wais. Tulad ng surf, wais. Bakit madami ang tumatangkilik sa pirata? Kasi mahirap tayo. Tama! Atsaka magaling talaga manggaya ang mga pinoy. Ayon nga din kay F. Sionil José, ang mga masasamang ugali o pag-iisip ng mga “colonizers” natin ang mga namana natin, hindi naman ang mga kagalingan nila. We imitated their vices not their virtues. May virtues ba kasi sila? Di ko lang alam. Wala naman ako noon.

Iniisip ko lang bakit ba hindi gumiginhawa buhay ni Juan dela Cruz? Dahil ako ang nagtanung, ako din ang sasagot at isa lang ang maaring kasagutan sa tanung ko: kasi karamihan sa atin SAKIM!

No comments: