December 23rd, 2007
Nay! ang galing galing ng titser namin sa philosophy. Talaga anak?
Oo nay! Wala nga sya notes kapag nagtuturo. Kabisadong kabisado! Wow galing nga talaga! Pero bakit anak hanggang ngayon tanga ka pa rin? Nay! hindi ako tanga! bobo po ako! Anu ba pinagkaiba ng bobo at tanga? Parehas nga ba?
Naranasan mo na bang naging titser ang super galing na titser? Super galing ba ang titser kapag di maintindihan ng estudyante? Madami na ako naranasang titser na super galing sa pagtuturo. Oo! As in super galing! Natatandaan ko pa noon ung titser ko sa process philosophy. Binigyan nya kami ng required reading, madami bumasa sa librong pinabasa nya, required nga eh at hindi lang un nakakatakot din kasi di basahin baka magisa ka pag di ka makasagot sa tanung ng titser. Alam
nyo ba? Hahaha!!! Hindi nyo po pala alam. Unang sentence palang di ko na maintindihan, unilit ko baka nagkamali lang ang mga mata ko pero di ko pa rin maintindihan. Dahil hindi ko maintindihan naintindihan ko na di ko na dapat basahin pa kasi di ko rin naman maintindihan. Nakakatuwa yun dahil noong inexplain na ng titser namin, sabi namin sa sarili naming ganun lang pala. Dun kami bumilib sa titser ko na yun. Pero nakaranas ka na ba ng titser na sleeping pill? Kahit na anung gawin mo eh nakakatulog ka talaga. Parang si ibon adarna kung maglecture. Magaling ba ang titser kung tumatango ang mga studyante nyang nakapikit? Akala nya siguro iniisip ng mga studyante nya ang mga sinasabi nya. Oo nga naman, iniisip nila kung bakit naging titser pa sya. Pero naranasan mo
na bang pumasok sa isang classroom tapos after a while eh marerealized mo parang mali ang napasukan mo dahil iba naman ang tinuturo ng titser mo sa subject description. Ang saya noon diba parang nasa circus ka na walang kang idea kung anu ang susunod na
mangyayari.
Masaya daw talaga ang magturo lalo na kung nakikita mo ang magandang nangyayari sa mga estudyante mo. Panu kaya kung ang mga naging estudyante mo eh mga politicians? Magiging proud ka ba?
Pano kung abutan ka ng naging estudyante mo ng pera, nagpapasalamat sa tinuro mo sa math. Alam ko ngingiti ka tas ibulbulsa agad yun. Pasasalamat yun. Madami ka naituro sa kanila. Galing nga ng mga projects nila eh. Kaya nga bitak bitak ang kalsada ngaun eh. Marupok ang tulay na concrete ang nakalagay sa kontrata pero pagkatapos magawa eh kahoy naman. Kailangan kasi masira agad para may proyekto na naman. Naranasan mo na bang dumaan ngayon from vigan to tagudin? Aabutin ka ng ilang oras bago mo to matahak. Ilang oras ba? Try mo na lang. Iisipin mo bakit kaya ang daling masira ang mga kalsadang to? Proud na proud siguro ngaun ang mga titsers ng mga engineers at contractors ng mga kalsadang ito.
Malaki ang magagawa ng isang titser sa future ng mga estudyante. Pero panu makakapagturo ng mabuti ang isang guro kung di naman sapat ang sweldo? Halos bainte kwatro oras ang trabaho ng titser para lang matapos ang mga requirements sa skul. Parang nag-aaral din sila. Kailangan din nilang mag-update. Pero panu nga nila ito gagawin? Kaya nga wala na masyado nagiging titser ngaun eh. Alala ko pa ung isang pamilya, pinapag-aral na lang ng titser ung isang anak nya dahil daw sya ang pinakabobo. Kung ganito ang mangyayari, anu ang maaring mangyari sa edukasyon natin?
Tanga ba o bobo ka? Anak, hindi ko rin alam ang sagot eh!
No comments:
Post a Comment