May 17th, 2008
Nakakatawa mang isipin pero hindi ako natutuwa. Isa sa mga pinakaayaw kong gawin ay nagagawa ko at gustong-gusto ko naman gawin. Hindi ko alam kung nangyari na din sayo ito. Pero anu sa akala mo ang rason kung bakit ang dapat na ginagawa ay hindi ginagawa at ang hindi dapat ay siya namang ginagawa? Kung ikaw ako anu ang gagawin mo? Madami ako gustong isulat pero puro tanung ang nasa isip ko. Maaring dumating din sa punto ng buhay mo na nagtanung ka sa sarili mo. Maaring may mga kasagutan ka at maari ring hindi mo nakaya. Inisip mong magtanung na lang ng magtanung. Nangarap akong sagutin ang lahat ng problema sa mundo pero nangarap din akong tanungin lahat ng maaring itanung ng tao. Sa pag-aakalang makaya ko dumating ang pagkakataong ayuko nang magtanung kasi wala naman sasagot. Hindi ko alam kung nalilito ako o nililito ko lang ang sarili ko. Kasi minsan takot ako sa mga bagay na hindi naman dapat katakotan dahil natatakot akong malaman na hindi pala ito nakakatakot. Pero naranasan ko na din umutot na naamoy ko ito at walang takot na sinabing mabaho ang utot ko. Alam kong naranasan mo na din ito kaya huwag kang matakot aminin sa sarili mo na may baho ka din na maaring lumabas. Maaring dumating din sa punto ng buhay mo na ayaw mo na ito at buong lakas at tapang na sinabing mabaho. Alam kong nagtanung ka na din ng mga tanung na alam mo na ang sagot pero tinatanung mo pa rin kasi hindi ka sigurado na tama ang sagot mo dahil wala ka naman makitang magpapatotoo sa sagot mo. Pero hindi ko alam kung tinatanung mo lang ito dahil gusto mong ipakita na kaya mo din magtanung o nagpapasikat ka lang. Maaaring dumating din sa buhay mo na naghahanap ka pero nasa kamay mo naman pala ang hinahanap mo. Hindi ko din alam kung sinadya mo ito o talagang natamaan ka lang ng sakit ng mga Pilipino. Kaya nga minsan nakaka-received ka ng text message na,“ala na me lod.”
Minsan nakakabili me ng bagay na hindi ko naman kailangan. Bakit nangyayari sa atin ito? Hindi ko minsan matanto na may dumarating sa buhay natin na hindi naman dapat nasa atin. Pero kasalanan siguro natin kung bakit ang dapat sana na hindi para sa atin ay napapasaatin. Sumagi din sa isip ko kung bakit hindi masarap kumain na nag-iisa. Anu ba talaga nagpapasarap sa isang pagkain? Sangkap o kapwa? Hindi ko din lubos maisip kung bakit may mga binabasa tayong alam naman na natin ang nilalaman at nanonood tayo ng palabas na alam na natin ang katapusan. Pero may mga lugar na alam natin pero hindi din natin napupuntahan. Dahil ba wala tayong masakyan o ayaw natin sumakay. Nakasakay ka na ba ng sasakyang ayaw kang pababain? Mga pagkakataong ayaw mo na pero sige pa rin. Maaring dumating na din sa buhay mo na naisip mong nag-iisip ka na pala. Kailan mo ito naisip? Kaya nga dumarating din sa buhay natin ang pagkakataong wala tayo load pero gusto natin magtext. Sino naman ang gusto mo i-text kapag wala kang load? Paano mo naman malalaman na hindi nagbibiro ang taong tumatawa? Isang bagay din na mahirap gawin ng Pinoy ay kung paano makikita ang pinagkaiba ng biro at totoo. Pero naranasan mo na bang magsinungaling ng totoo? Ang iyong sinasabi ay totoo pero sinungaling para sa mga nakikinig sayo. Last na katanungan, kung ikaw si batman anu ang sasabihin mo kay superman?
Hindi ko alam kung anu iniisip mo sa mga nabasa mo kasi hindi ko din alam ang mga sinasabi ko. Dumating kasi sa buhay ko na ayuko ng magsulat pero nagsusulat pa rin ako. Dumating sa buhay ko ang nasaktan pero nagmamahal pa rin ako. Sabi nila kailangan matuto tayo sa nakaraan. Umiyak din ako pero wala ding nagbago. Hindiko naman kasi binago ang sarili ko.
Marami ang nagsasabi, si Jesus ang kasagutan. Marami din ang nagsasabi, “If Jesus is the answer, what is the question?”
No comments:
Post a Comment