Friday, October 31, 2008

Kahon de Bola

February 5th, 2008

Kung nanonood ka ng TV (idiot box) at may kasama kang bata mapapansin mo ito. Sabi nila mas gusto daw ng bata ang patalastas kaysa sa talagang palabas. (ohs?! chismakz!! Chuva ek ek mo lang ata yan!?) Kaya nga minsan inaaway ng bata ang sinumang magtatangkang ilipat ang channel kapag patalastas na. Mas ok pa nga daw ang paglipat kapag nasa kalagitnaan ka ng pinapanood mong palabas. Hindi po ako child psychologist kaya nga di ko alam kung totoo nga ito. Mapapatotohanan mo ito kapag maobserbahan mong mabuti ang mga bata kapag nanonood. Mapapansin mo sa facial expression ang saya at tuwa nila kapag patalastas na. Kaya nga sumasabay pa nga mga yan kapag paborito nila yung patalastas. At mamamangha ka kasi kabisado lahat ang wordings kahit pa ang mga kanta at todo action pa. At sympre mapapalakpak ka din sa tuwa sa pinaggagawa ng mga bata sa pag-aakalang tanda ito ng katalinohan nila. Pero alam nyo ba kung sino talaga ang matalino? Ang gumawa ng patalastas! Kunting panahon lang na lumabas sa screen ng tv mo o narinig sa radio eh memorized mo na agad. Sa ilang sandali lang kaya nyang paikutin ang isip mo at mapapa-oo ka na. Kaya nga madami ka binibili na hindi mo naman kailangang bilhin. Pero dahil sa husay ng patalastas, di mo namalayan nabili mo na pala. Kaya nga masama din sa bata ang sobrang expose sa TV sa kadahilanang magbibigay ito ng di mabuti sa pag-iisip ng bata. Sabi nila (ako talaga nagsabi nito pero gawa gawa ko lang) kapag sobrang exposed ang bata sa TV mahihirapan syang i-distinguish ang totoo at di-totoo. Kung bakit ganito? Hehehe! Di ko alam, gawa gawa ko nga lang yan eh. Pero obserbahan nyo mga bata, after na manood sila ginagaya nila ang mga ito. Lalo na kapag lumilipad mga napanood nila, akala nila kaya din nilang lumipad. And that is I think one of the effects. Gets?!

Isa lang daw nais ipahatid sayo ang anumang uri ng patalastas. Eh anu naman yun? Anu nga ba yun? Ang gulo mo! Tinatanung kita, tanung naman ang sagot mo! Hmp! bumili ka nga ng kausap mo! Ay!!! Yun nga! Ang BUMILI. Ito lang talaga ang nais iparating sayo ng mga sintamis na mga salita at singaling na pakulo ng mga napapanood mo, naririnig at nababasa sa media. Ayun kay Maria Luz T. Morada, kilala nyo ba sya? Ako nga rin hindi eh. Pero ayun sa kanya, kahit saan tayo pumaroon ay tinuturete tayo ng iba’t ibang uri at mapanghikayat na mga ‘ADS’ na naglalantaran sa atin sa pamamagitan ng tinatawag na HARD SELL o SOFT SELL. Ang malambot at ang matigas!!!? Hehehe! Parang ang bakla at ang tomboy ah! Anyway, ito ay ang tahasan o di-tahasang pagpapakita sa mamimili ng kapakinabangan ng mga produkto nila. Gusto nyo ba ng halimbawa? Sa totoo lang talagang nagbigay sya ng mga halimbawa nyan para maintindihan nyo. (di ko rin kaya maintindihan) Halimbawa, eh yung mga tungkol sa mga detergents na pinagkukumpara sa isa’t isa upang ipakita ang pagkakaiba nito. Ito daw ang tinatawag na Hard Sell. Tigas noh? At ang soft sell daw eh yung ipapamalas sa mamimili ang kakaibang damdamin na tipong feel-na-feel mo ang sarap at ginhawang dulot ng produktong dahilan sa kapakapaniwalang teknik na ginagamit sa patalastas. Parang yung isang babad mo lang eh puti na, di na kailangan ng bareta. O di kaya yung take one tablet nito at tanggal ang (sakit ng) katawan. Or yung pag-inum mo ng herbal capsule tas nakakalakad ka na. Patalikod nga lang. Eh yung patalastas sa radio, nagpacheck up sa isang hi tech na clinic at nalamang may bato daw sya sa kidney tas pinainum ng kung anu anung gamot kaya ngayon daw eh nakakaihi na sya ng bato. (ok ah, pwede ng magnegosyo ng gravel and sand). O kaya yung gumagamit ng barreta, wais. Sino ba naman ayaw maging wais di ba? Lahat ng patalastas or ADS maganda. Eh sino naman kasing bobong gagawa ng promotion sa produkto nya eh yung masamang dulot ang ipapalabas? Oo nga naman noh? Sino naman kaya ang bibili kapag ganun? Eh sino pa, eh di yung bobo din, bobo mo talaga! Ay oo nga noh!? Panu mo nalamang bobo ako? Hay naku! Tas lahat ng produkto ngayon ay number one. Tulad ng mga tv stations, lahat daw sila number one.

May kunting paalala sa ating lahat si Madam Luz and I quoted: “Sa susunod na makakakita o makarinig tayo ng patalastas, malaki ang maitutulong sa atin kung ipagpapatuloy ang pagkilatis nito. Tingnan at pakinggan mabuti kung ano ang sinsabi at kung paano ito sinasabi. Anong teknik ang ginagamit upang mapaniwala at maimpluwensiya ang opinion ng mamimili sa produkto o serbisyong inaalok? Kilatisin din ang mga ipinahihiwatig na ideolohiya at prinsipyo sa buhay na kusang itinuturok sa isip, puso at damdamin ng mga mamimili.”

Madami ka na bang nabili? Kailangan mo ba talaga mga yan o nagustuhan mo lang?

No comments: