Friday, October 31, 2008

Buksan ang Buhay

November 8th, 2007

Importante ang susi kung may kwarto ka, kotse, ataol, baol, cabinet, aparador at iba pang pwedeng susihan. Lalo na kung may mga mahahalaga kang bagay na tinatago. Pero anu ang gagawin mo kapag nawala mo ito? Naisip ko ang susi dahil sa susi kong nawala dahil sa tinatawag nilang “katangahan.” Ewan ko lang kung mayroon ka rin ganito. Marami daw may ganitong pag-uugali. Ugali ba ang katangahan? Yan ang di ko alam. Ako pala ang taga hawak ng susi sa seminaryo. Pero inuunahan ko na kayo, hindi ako si San Pedro at lalong wala akong manok na puting panabong. May denideposito ang mga seminarista (note: hindi seminaryo) kapalit ng assurance na ibabalik nila ang tunay na susi ng kwarto nila sa katapusan ng klase. Dahil sa may sense of justice ako, ehem…mayron ata ako nun. Di ko pinabayad yung hindi nakakuha ng susi nila sa kwarto. Dapat pa kasing maayos ang doorknob nila para may susi sila. Pero saludo ako sa ibang seminarista (inuulit ko hindi seminaryo) sila na ang kusang nagpagawa ng kanilang doorknob kaso wala naman ata silang binigay sa aking duplicate ng susi nila. Marami kasi ginagawa ang karpentero namin. Masaya ang key holder kasi madami kang susi… nyahahaaha!!! Obvious ba? Sabi nila wag na daw natin tanungin ang obvious. Oo nga naman obvious na nga tinatanung pa. Siguro may “katangahan” kasi ang karamihan kaya pati obvious eh tinatanung. Pero wag kayo, isa sa mga philosophy titser ko ang nagsabi, “even the obvious and arid needs to be questioned.” Kung bakit nya sinabi yun eh hindi ko na alam. Di na kasi ako nagtanung kasi obvious na nga eh. Pero balik ako sa susi, nawala ko pala nun ang susi ko. Ung key chain ko noon ay yung postal stamp ni President Ferdinand Marcos na nakaplastik. Paborito ko ang key chain na yun kasi nga proud ako sa ilokanong presidente na ito. Kung sya pa ng presidente baka wala ka ngaun. Ang galing kasi kaso nabahiran lang ng kung anu-anung kulay ang buhay nya. Parang rainbow ah! Makulay ang buhay. Noong nawala ko yung key chain na un kasama sympre ng susi ko, kung sino sino ang naging suspect ko. Nagdeklara ako ng martial law. Mahalaga kasi sa akin yun, parang ngpeople power ang mundo ko dahil kailangan ko isara ang kwarto ko tuwing aalis ako. Baka kasi pasukin ng masasamang espiritu. Pero isang araw nakita ko un, nakita ko sa pinaglalaruan namin ng pingpong. Kaya nanalo ako sa laro namin at kahit ang talo mamlilibre ako na ang nanlibre.

May isang seminarista (uulitin ko pa, hindi seminaryo) ang nakita kong kwentas nya ang susi nya. Dahil dun naisipan kung gawin din un. Safe nga talaga ang susing kwentas, may bling bling ka pa. Pero hindi ko kinukwentas kasi dyahe. Tapos ang bigat bigat pa dahil may key chain pa rin na bakal. Ang ginagawa ko, nilalaro ko ito. Pero minsan umandar na naman ang “katangahan” ko. Pinaikot-ikot ko ito sa kamay ko, sabi ko sa sarili ko ang galing galing ko tapos biglang na-lose ung grip ko kaya tumama ang key chain na bakal sa mata ko. Ayun nasugat ang talukap ng mata ko. Dumugo, at aakakalain mong nakalaban ko si Paquiao. Kaya naging certified sa “katangahan.” Kaya naisip kong ibahin uli ang key chain ko. May binigay sa amin na key chain na kahoy na medyo may kalakihan. Di ko nga binubulsa kasi malaki nga talaga. Binigay sa amin pinambayad sa pagiging referee naming sa sports fests. Masaya ang maging referee dahil pwede mong ikontrol ang laro pero kailangan mo talagang maging fair para wala kang problema sa konsensya mo. Dun ko natutunan ang pagiging “just” pero may mga pagkakataon din na di talaga lahat nakikita ang mga violations na syang pinag-iinit ng ulo ng mga manlalaro. Pero ok talaga ang ganun kasi dun mo makikita na talagang ayaw nilang naloloko. Kahit na sino ayaw maloko, pero madami ang nagpapaloko lalo na sa mga politiko. Akalain mo bang magbibigay ang malakanyang ang pera tapos sasabihing wala sila ibinigay? Kalokohan! Ako sana referee fouled out na ang presidente! Lantaran ang panloloko sa taong bayan. Ang dami naman pala pera pero sa kung saan saan naman ibinibigay. Madami ang nagugutom, bakit hindi dun ibigay ang mga perang yan? Bakit di ipambili ng pagkain. Nabasa ko sa newspaper, may nagpakamatay na bata dahil wala siyang makitang pag-asa sa bayang ito. Di ko lubos maisip, labindalawang taon gulang nagpakamatay??? At alam mo ba kung anu ang reaction nila? “that’s an isolated case!” Ha!? Isolated? Wala lang silang pakialam!!! Makasarili!!! Isa pa bakit sa contraceptives ilalaan ang isang bilyon? Bakit kakainin ba natin ang mga condom at pills? Bakit ang mga opisyales na wala naman ginawa kundi magpayaman ang binibigyan? Honorable nga tawag natin sa kanila kahit magnanakaw sila. Dapat pala ibahin na natin tawag sa mga magnanakaw. Honorable na di ba? Cute pa! Atsaka walang lamangan pati small time na magnanakaw eh magiging honorable. Thats just! Nakita ko ang isang mamlalaro na di nagpapaloko, si Among Ed. Buti na lang at di sya natatakot na sabihin kung anu man ang katotohanan. Saludo ako sa iyo Among Ed. Kanina pa ako saludo ng saludo dito ah di naman ako sundalo. Yun nga eh, ang mga di sundalo naman ang nasasaluduhan kasi karamihan ng sundalong dapat sanang saluduhan ay walang karapatang mabigyan ng respeto dahil nagpapagamit naman sa mga makapangyarihang nagpapahirap sa mga Pilipino. Bato bato sa langit sana may matamaan at magalit! Nasan na kaya ung malaking susi ko?

Ayan, ang susi ko tuloy napasok ang politika. Panu kasi wala namang gumagamit ng susi sa atin. Ang susi kailangan kasi natin para mabuksan ang anumang anumalya na lalong nagpapahirap sa buhay natin. Gamitin natin ang bawat susi na hawak natin upang ang katotohanan ay lumabas. Ang batang nagpakamatay ay isa din susi upang makita natin ang katotohanang ang Pilipinas ay naghihirap, taliwas sa sinasabi nilang umuunlad. Tayo ang susi sa magandang kinabukasan ng bayang ito. Wag kang matakot na buksan ang magbibigay liwanag sa buhay. Hindi ka pa ba sawa sa mapang-aping sistema ng lipunang ito? Bakit di ka kumilos? Nawala mo na ba ang malaking susi mo? Baka naman na-misplace mo lang?! Hanapin mo at gamitin mo!!! Bilis!!! Ngaun na!!!

No comments: