Friday, October 31, 2008

Kaya nila, kaya mo ba?

June 8th, 2008

The sense of sacrifice! Mayroon ka ba nito? Maaring may sense ka siguro pero wala kang sacrifice. Bakit aanhin ko ba yang sacrifice? Ha? Nakakain ba yan? Kung pagkain ito di ko na sana pinaalam sayo kasi kapag pagkain ito nakain ko na. Pero my punto ka! (Hehehe! May scoring pala dito!) May makakain nga ba tayo sa sakripisyo? Sa aking pagkakaalam madami na ang napakain ng sakrispisyo. Madami na ang nabuhay dahil dito. Ngunit bakit sa mga dapat sanang gumagawa nito bakit hindi ginagawa? Mahirap ba o ayaw mo lang talaga? Ika nga nila, where is the resistance coming from? Hindi ko maintindihan. Bakit ayaw mo? Bakit ayaw natin? Di ba madami na tayong kilala at alam na mga taong nagpapatunay na mahalaga at nakakabuhay ang sakripisyo? Pero minsan kasi nakakalito naman isipin kung anu nga ba ang sakripisyo. Nagtanung ako sa dictionary eto naman ang sagot nya: Giving up of a valued thing for the sake of something else. Ganun pala ang ibig sabihin. Kaya pala mahirap din magsakripisyo kasi ito nga naman ay pinapahalagahan na mga bagay (at tao?). Minsan nga ayaw na ng mga mahihirap ang yumaman kasi komportable na sila sa kalagayan nila. Baka mas madali pa sila mamatay kapag umiba na takbo ng buhay nila. Minsan may ginagawa me para sa sarili ko. In my own little way, gusto kong maranasan ang buhay mahirap, mramdaman kung anu nga ba ang hirap ng taong walang tulugan o matigas ang tulugan. Kaya inalis ko yung foam ng bed ko tapos isa lang ang unan ko na manipis at kumot na di ko naman ginagamit. Sa unang mga gabi ng pagtulog na ganito sitwasyon ko medyo nahirapan ako pero kinalaunan nasanay na rin at nasarapan. Kaya nga sumakit katawan ko minsan noong natulog ako sa malambot na kama. Kaya nga matindi yung tanung ni M.V. Francisco, SJ sa kanyang kantang Pilgrime’s Theme: Is life a mere routine in the greater scheme of things?

Pero bilib ako sa mga taong may sense of sacrifice. No joke! Bakit nagjoke ka ba? Is that a joke? Well, I’m serious. No joke nga talaga. Oo, bilib ako sa mga may sense of sacrifice. May kakilala ako, a friend, kaklase dati. Sabi nya sa akin, “lahat gagawin ko para sa pamilya ko.” Kaya nga ako nag-abroad para sa kanila. Well, if you ask me about my feelings at that time, grabe! Nalungkot ako, natuwa at napahiya (mixed feelings). Nakakalungkot ba ang magsakripisyo? Hindi, nakakalungkot kasi kailangan nya pa umalis ng bansa para sa pamilya nya. Maari naman siya magtrabaho dito sa ating bansa. Alam ko nasa isip mo, anu naman mapapala nya kung dito lang siya? Di ba? Oo nga eh. Nakakapanghinayang, kaya nga nakakalungkot. Tignan mo, madami ang magagaling at dekalidad na mga pinoy pero sa ibang bansa nila naipapakita at naipapamalas ang mga kagalingan nila. Wala nga ba talagang pag-asa sa bansang ito? Hay! Ang hirap naman sagutin yang tanung mo. Di mo ba nakikita? Pero nakakatuwa nga naman talaga noh? Proud ako sa kaklase kong iyon, alam nya magsakripisyo, hindi nya inisip ang sariling kapakanan. Kung gayahin kaya siya ng mga namumuno sa ating bansa, anu sa akala mo ang mangyayari? Hay! Nag-iilusyon na naman ako. Ganun na ba talaga? Please prove me wrong! Please!!!

Nakakahiya mang aminin, minsan nahihirapan din talaga ako magsakripisyo. Naalala ko tuloy mga damit kong luma. Ayaw pagamit sa akin ng nanay ko kasi luma na nga naman na talaga at madami ng butas. Aakalain mong galing ako ng giyera at natadtad ng bala ang katawan ko. Pero kumportable kasi ako sa mga damit kong iyon. De air-con. Masarap isuot lalo na sa panahon ngayon na sobrang hot. Hiningi nga ng kaklase ko yung isa. Naging paborito din nya yun kasi nagkaroon siya ng mga bagong damit dahil dun. May nakakita sa kanya at naawa kaya siya binigyan ng mga bagong damit. (hehehe! Sana may makakita din sa akin na ganun) Pero ang punto, (hehehe, nakailang puntos na ba?) nahihirapan tayong magsakripisyo kasi nga kumportable na tayo sa kung anu ang nasa atin. Tama! Yun ang best possible reason kung bakit mahirap. Nasanay na tayo at nasasakim na tayo?

Natatakot ako at nasasaktan kapag may pamilyang kailangan magkalayo dahil lang sa kahirapan. Natatakot dahil maaring hindi na sila magkakasama pang muli. Nasasaktan ako dahil marami na ang nasirang pamilya, marami ng winasak na tahanan, marami ng matang pinaluha, marami ng pusong sinugatan (kanta ata to, kantahin mo nga!). Kapag wasak ang pamilya, wasak din ang bansa. Hahayaan mo na lang ba? Madami na ang nagpabaya, baka gusto mong gumaya. Try mo baka masaya.

No comments: