Friday, October 31, 2008

Sino si Kuya Noli at Ate Fely?

March 5th, 2008

Alam mo ba yung Noli Me Tangere at El Filibusterismo? Kung di mo alam mga ito, sigurado ako hindi ka nag-high school or di kaya eh hindi ka pumapasok sa klase mo. Ito kasi ang mga pangunahing nobela na dapat matutunan ng bawat estudyante, dapat basahin at pag-aralan ng bawat Filipino. Gawa yan ng idol ko, si Gat. Jose Rizal. Pero sa totoo lang hindi ko na maalala kung anu ang nilalaman ng mga ito kasi di ko rin naman ata natapos. Amnesia (forgetfulness) kasi ang uso ngayon eh kaya nakikiuso na din ako. Atsaka napilitan lang kasi akong gumawa ng buod ng bawat chapter kahit di ko maintindihan kasi parang kidlat naman kasi ang titser namin (titser tuloy may kasalanan). Sino ba naman gustong matamaan ng ngipin ng kidlat. High voltage yun kaya matindi. Kumakain pa ata ng mga estudyante ang titser na yun. So far, (medyo malayo yan ah) wala pa naman akong nabalitaan na kinain nya.

Pero balik ako sa dalawang nobela. Alam nyo ba kung sino target audience ni Dr. Jose P. Rizal sa gawa nya? Sabi nila mga Filipino daw para makita nila ang kahayupan ng mga Kastila at para mag-aklas sila. Pero di ako naniniwala. Bakit? Oo nga noh?! Bakit ba hindi ako naniniwala eh pinag-aralan naman namin mga yun. Tignan nyo naman kasi sa pamagat palang di mo na maintindihan kaya hindi para sa mga Filipino ang mga ito. Oo nga noh?! Bakit espanyol ginamit nya sa pagsulat? Ilan ba nakakaintindi ng Spanish noon? Ibig sabihin para sa mga Kastila ito at mga may pinag-aralang Filipino. Eh ilan lang naman ang nakapag-aral noon ah. Alangan naman na sila ang mag-aklas (I doubt). Kaya nga din ata pinunit ni Andres Bonifacio ang cedula kasi di nya yun maintindihan (Ganun ba yun?). Aba ewan ko jan! Tanungin nyo na lang kay Jose Rizal. Naalala ko tuloy noong nasa First Year Philosophy pa lang ako. May subject kami noon sa Spanish. Honestly wala din akong naintindihan sa subject na to kasi pati explanation ng titser eh Spanish. Pagpasok hanggang paglabas nya sa klase Spanish pa rin sya. Yung kanta lang na tinuro nya ang naalala ko sa kanya. Yung “cocodia cocoda” pero di ko alam ibig sabihin. Tungkol ata ito sa manok. One time, naglalakad kami ng kaklase ko sa corridor nang makasalubong namin ang “espanyol” na professor. Kaya naisipan namin magpapogi points. Kaya greet namin sya ng “Buenos Tardes Senior!” at sumagot naman sya (ayos! tama ang greetings namin, one thousand points! makulimlim kasi noon). Pero pagkatapos nya gumanti ng bati may sinabi syang “como ek ek…” di ko na maalala kasi di naman namin naintindihan. Nagtinginan kami ng kasama ko tas with a smile kaming sumagot ng “Si, Senior!” (ibig sabihin, yes sir). Tas bigla na lang syang tumawa (tulad ng tawa ni Joker na friend ni batman) tas sabi nya “ang tinatanung ko, saan kayo galing!” Hahaha! Tumawa na lang din kami para hindi masyadong mapahiya. (Todas, minus 10 million pogi points! Deficit tuloy!)

Ayan! Kaya nga natawa din ako noong narealized ko na sa espanyol pala sinulat ni Dr. Jose Rizal ang noli at fili (honestly, nabasa ko lang tong idea na ito, feel ko lang na ako nakaisip). Totoo naman kasi di ba? Bakit sya nagsulat ng hindi naman maintindihan ng mga taong sinulatan nya? Hay! hindi ko alam ang sagot. Tanungin nyo na lang po sa kanya.

Madami ang salita na ginagamit ang mga Filipino. Ito ba ang dahilan kung bakit di tayo magkaintindihan? Pwede. Maaring hindi. Maaring ayaw lang natin intindihin ang bawat isa. Ilan din taon ang nakalipas bago natin naintindihan kung bakit sinulat at kung bakit sa espanyol sinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang Noli at Fili. (di ko pa rin maintindihan kung bakit sa espanyol) Magpalipas din ba tayo ng madaming taon bago natin maintindihan na kailangan natin magkaisa?

No comments: