June 26th, 2008
Presko pa sa memoria ko ang pinakamalupit na tanung na naitanung ko sa titser namin noong nasa kolehiyo pa lang ako. Dumugo nga ang ilong ng titser ko noon, halos di maisip kung bakit may tanung pala na ganun. Alam ko napaisip din ang mga kaklase ko. Naging interesente kasi yung klase namin noong nagtanung na ako. Alam kong kinabahan ng husto yung titser namin kasi iyon ang unang pagkakataon na nagtaas ako ng kamay at sa kalagitnaan pa ng kanyang diskurso. Huminto sa pagdada ang titser at tinawag ang pangalan ko. Tumayo ako agad. Lahat tumahimik. Maririnig kahit paghinga ng kaklase. Ito na ang pagkakataon ko para malaman ng klase na may maibubuga din ako. Huminga ako ng malalim at buong tapang na nagtanung. "Ma’am, may World War I at World War II, maari din po bang magkaroon ng World War III? Pagkatapos lumabas sa bunganga ko ang mga salitang ito, biglang nagkagulo ang klase. Ayos sabi ko sa sarili ko, I made a commotion. World War III na ito. Tumingin ako sa mga kaklase ko at sa titser ko, halos mamatay sila. Mamamatay na sila sa katatawa. Doon ko naisip na di pala dapat tinatanung ang mga ganun. Para kasing tinatanung mo kung pagkatapos ba ng two e three ang kasunod. Anyway, that’s me. I have to learn from my mistakes.
Siguro nagtataka kayo kung bakit ko naikwento ito. Maliban sa gusto kong malaman ninyo kung gaano ako katanga, nais ko din ipaalam na mahalaga ang ating nakaraan. Hindi dahil para mapahiya tayo kundi may mas malalim pang dahilan. Kaya nga yun ang unang tinanong sa amin ang professor namin sa history. Why do we study history? Minsan may pinaalala ako sa x-girlfriend ko. Sabi nya wag ko na daw ipaalala ang nakaraan kasi tapos na daw yun. Wala na daw kami magagawa sa nakaraan. Oo tama naman siya. Anu pa ba magagawa natin sa nakaraan? Tapos na, maibabalik mo pa ba? Pero madami tayo matututunan sa ating nakaraan. Siguro tama ang sabi ni Benjamin Singkol, "we have no sense of the past." Para sa kanya, "if we have no sense of the past, we have no sense of the nation." Ayan nasabit tuloy ang Vibora-a novel by F. Sionil Jose. Pero totoo naman, tignan mo ang bayan natin. Nangyayari din ito noon. Kurakot noon, kurakot pa rin ngayon. Bakit hindi tayo natututo sa ating kasaysayan? Kakaiba naman ang sakit na dumapo sa Pilipinas- Historical Amnesia.
Kailan kaya tayo matututo? Which is which? History repeats itself or We are repeating History?
No comments:
Post a Comment