Thursday, December 18, 2008

ZOLA

Sabi sa akin ng kaibigan ko masarap daw kumain sa Zola. Isang kainan na nasa mataas na parte ng Session Road. Sa unang pagkakataon nakapasok ako sa kainan na ito. Nag-agahan kami ng kaibigan ko kasi maaga siya pumapasok sa kanyang opisina at medyo late na kapag umuuwi kaya iyon lang ang pwedeng time na magkikita kami. Kailangan ko din maagang gumising dahil din sa trabaho ko. Noong pumasok ako sa kainan na ito napansin ko agad ang kaibahan ng loob. Sabi ko noon parang Kenny Rogers naman ito baka mahal ang mga pagkain. Pero ginarantihan ako ng kaibigan ko na okey lang ang presyo at hindi ako ang magbabayad sa kakainin namin. Umupo kami sa kaliwang parte ng kainan na nasa kalagitnaan. Nakaharap ako paloob tas sa labas naman nakaharap ang kasama ko. Napansin ko agad ang dalawang babae na nagtatawanan na kitang kita kong nag-iinuman. Tinitigan ako nong isa kaya naman tinitigan ko din. Sabi ko sa aking sarili hindi ako magpapatalo kung sa tingin lang. Napansin ko din na dalawang klase ng tao ang mga pumapasok sa kainan na ito. Ang mga nasa harapan ko ay mga kabataan mukhang galing sa mga disco houses o di kaya mga nagtatrabaho sa mga call center or mga graveyard duties. Ang mga kaharap naman ng kasama ko o yung mga nasa likuran ko ay mga adult na. Siguro mga de pamilya na ang mga ito. Mga naghahatid siguro ang mga ito ng kanilang anak sa eskwelahan o di kaya katulad namin ng kasama ko na maagang pumapasok sa trabaho at wala ng oras para magluto.
Tinanong ko ang kasama ko. “Oo, mga ‘night people’ mga yan and parents talaga mga nasa harap ko,” sabi sa akin. Pero biglang nawala ang pinag-uusapan namin noong dumating ang waiter na kukuha sa order namin. Kapansin pansin kasi ang ganda niya at halos hindi ako makapagsalita noong tinanung ako ng kasama ko kung anu ang order ko. Napangiti na lang ako kaya siya na lang nag-order para sa akin. Sabi ko sa aking sarili bakit kaya siya andito. Oo, obvious na nagtatrabaho pero bakit ang ganda niya. Nagulohan talaga ako noong nakita ko siya. Kaya pinabalik ko siya at nag-order kami uli. Sa pagkakataon na ito nabigyan ako ng lakas ng loob para tanungin ang pangalan niya. Pero ang sinabi ko tinatanung ng kasama ko. Napatawa siya kasi babae naman ang kaibigan ko kaya alam kung alam na ako talaga ang gustong kumilala sa kanya. Sinagot agad ang tanung ko kasabay ang napakatamis na ngiti. Maia ang pangalan niya. Mula noon may rason na ako para bumalik sa kainan na ito. Oo masarap ang pagkain, affordable pero mas may higit na dahilan na ang pagpunta ko sa resto na ito- ang makita siya.
Kape ang lagi kong inoorder. Bottomless kasi ang kape nila. Naging regular customer ako sa kainan na ito. At habang tumatagal mas lalong nakilala ko ang mga pumapasok sa kainan na ito. Sila ang may mga pangarap sa buhay. Ang mga kabataang naghahangad na makamit ang mga pangarap sa buhay kaya kahit dis oras ng gabi sila magtrabaho okay lang para sa kanila. Nakikita ko ang pagod sa kanilang mga mata. Nakikita ko ang determinasyon kahit sa hirap na nararanasan nila. Pero may mga hindi rin makatayo sa hirap na ito kaya dinadaan na lang nila sa pag-iinum. Nakikita ko din ang mga hirap ng magulang. Nagtitiis sila para lang mapag-aral nila ang kanilang mga anak. Karamihan sa kanila maganda ang mga suot pero pansin kong hindi ito mga bago. Sabi ko sa aking sarili magbubunga din ang kanilang sakripisyo.
Pagpasok ko pa lang alam na nila kong anu ang order ko at kung sino dapat ang kukuha. Lagging nakangiti sa akin ang mga kasama ni Maia. Alam siguro nila na hindi dahil sa kape ako nagpupunta doon kundi dahil kay Maia. Medyo matagal tagal na akong nagpupunta dito pero pangalan pa rin ang alam ko sa kanya. Ni hindi ko makuha kuha ang cell number niya. Sabi ko sa aking sarili ngayon lang ako naturpe sa tana ng buhay ko. Alam kong nararamdaman niya kung anu nararamdaman ko para sa kanya. Kasama ko uli ang kaibigan ko na nagbreakfast. Kinakantiyawan ako kasi napansin niyang at home na ako sa resto. Sa pagkakataon na ito nabigyan uli ako ng lakas ng loob para kausapin siya. Tinanong ko kung may boyfriend na siya. Para akong nabingi pagkatapos kong malaman ang sagot. Nanikip ang dibdib ko. Kaya kahit hindi pa kami tapos kumain niyaya ko ng umalis ang kaibigan ko. Pagkatapos ng pangyayaring iyon hindi na ako bumalik sa resto na iyon.
Magdadalawang buwan na akong hindi na nagpupunta sa Zola. Nakapila ako sa bus station noong may lumapit sa akin na lalake. Hindi ko siya kilala pero parang matagal na niya akong kilala. Nagpakilala siyang nagtatrabaho sa Zola at tinanung sa akin kung bakit hindi na ako nagpupunta doon. Sinabi ko na lang na medyo busy ako sa trabaho kaya nawalan na ako ng oras para pumunta sa kainan. Sinabi ko rin na inasign kasi ako sa main office. Hindi ako nagtanong pero binuksan ang topiko tungkol kay Maia. Sinabi sa akin na nagresign na pala si Maia sa resto. At sinabi sa akin ang habang buhay na pagsisisihan ko. Mag-aasawa na pala siya. Isang matandang mayaman na galling sa Hawaii ang mapapangasawa niya. Sinbi sa akin na napilitan lang daw si Maia na tanggapin ang alok na iyon dahil sa nangyari sa kanilang pamilya. Unang anak si Maia. Mayaman pala sila. Nasa gobyerna ang kanilang ama may mataas na katungkulan. May nakitang kalokohan kaya kumanta pero dahil malaking tao ang nakabangga siya ang talo. Naalis ang kanyang ama sa trabaho at nagkasakit dahil sa pag-iinum nito. Dahil siya ang panganay at wala naman trabaho ang kanyang ina, siya ang kailangan magsakripisyo. Tumigil siya sa pag-aaral para itaguyod ang pamilya. Ito ang karaniwang nangyayari sa mga panganay ng pamilyang Pilipino tuwing panahon ng krisis. Kaya pala siya napadpad sa kainan na iyon. Pagkatapos sabihin sa akin ang mga ito, may sulat pala para sa akin na iniwan si Maia. Nagsasalita pa siya pero tumakbo na ako agad. Iniwan ko ang kausap. Iniwan ko ang sasakyang magdadala sana sa akin sa mas mabuting kinabukasan.
Napansin ako agad ng isang waiter at inilabas ang isang sobre. Parang alam na nila kung ano ang pakay ko sa pagpunta doon. Dali-dali kong binuksan ang sobre at ito ang nilalaman:

Dear Iñigo,

Alam kong nagtataka ka kung bakit ko alam ang pangalan mo kahit hindi mo sinabi sa akin. Natatandaan mo ba noong nabayad ka? Credit Card ang kailangan pero ID mo naman ang iyong binigay. Natuwa ako sa iyo. Pero hindi ako natuwa noong hindi na kita nakikita. Nagsisisi ako noong biniro kita. Sa totoo lang wala akong bf. Biro lang sana iyon. Hindi ko alam na masasaktan ka. Nasaktan ako lalo na ng hindi na kita makita.
Siguro pag nabasa mo ito kasal na ako. Pumayag na ako sa alok sa akin ng isang matanda. Tinanggap ko hindi dahil mahal ko siya. Tinanggap ko dahil naghihirap kami. Nawalan na din kasi ako ng pag-asa sa buhay at ito na lang ang alam kong paraan para maiahon ang aking pamilya. Iñigo, kaw ang mahal ko. Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam ko ang nasa puso mo. Pero siguro ito ang nakatakda sa atin.

Paalam.

Maia